Pagbabalik tanaw sa kahapon

Matagal nang panahon ang nakalipas at pagkatapos ng trenta y cincong taon nagkita ulit kami sa social media. Isa na siyang kilalang writer, actress at director. Nakatanggap siya ng maraming parangal. Patuloy pa rin ang pagtuturo niya. Hanggat sa nahiyakat niya akong sumapi sa workshop niya. Nag enroll ako at binigiyan niya ako ng schedule. Kasama niya ang anak niya sa Production niya at tumatanggap sila ng mga workshoppers from abroad. Sabi nga niya, talagang ipinagkaloob ng Diyos na magkita pa kami at magka-ugnayan. Inspired siyang magturo. Kaya inspired din akong mag-aral ulit. Mentor ko na siya dati sa CCP nung dalaga pa ako. Dun ako sumibol sa pag-arte at pagsusulat.

Damang dama ko pa rin ang pagmamahal ni Ate Au sa akin. Sariwa pa sa kaniya ang Dulaang Katig. Sadyang hindi maarok ang tibay ng pagmamahal niya sa amin. Marami kaming natutunan sa kaniya. Dala dala ko ang mga natutunan ko sa teatro. Naging parang teatro ang buhay ko. Makulay at punong puno ng aral sa buhay. Dahil sa teatro namulat ako sa katotohanan na ang buhay ay parang isang gulong, minsan nasa ibabaw, at minsan nasa ilalalim. Natuklasan ko kung papanong makiharap sa dagok ng tadhana at kung papanong magpunyagi sa buhay. Galing yun sa puso at diwa. Lahat ng iyun ay dulot ng pagmamahal. Hubad sa katotohanan ang buhay.

Hindi ko batid ang kahihinatnan ng pagbabalik tanaw ko ngunit nagbabadya sa aking balintataw ang maliwanag na daan. Hindi ako nagsusulat para makilala o magpakayaman. Nagsusulat ako para sa sarili ko at para maibahagi sa kapwa ko tao ang mga natutunan ko sa buhay bilang isang immigrant wife, ina at anak. Gusto kong maibahagi ang mga karanasan ko sa buhay sa pagtataguyod ko sa apat kong mga anak hanggang sa napalaki ko sila ng maayos. Gusto ko ring ibahagi ang mga karanasan ko sa pagpupunyagi sa buhay. Gusto kong isalarawan ang mga ito na mapupulutan ng aral at inspirasiyun. Laban lang sa buhay.

Taglay ko ang pananampalataya sa Diyos sa pagharap sa mga unos namin sa buhay. Lagi akong umaasa sa tulong ng may kapal. Bawat bugso ng damdamin, isa itong hudyat ng pagmamahal na mula sa Diyos. Hindi niya kami pinabayaan. Nagpursige akong maisataguyod ang pagpapamilya maski ako lang magisa ang tumindig sa mga responsibilidad bilang ina ng aking mga anak.

Sa pagsusuri ko hindi na siguro dapat pang bigiyan pansin ang mga personal na bahagi ng buhay ko dahil, masaklap isipin na nauwi lahat sa hiwalayan. Naging mahirap para sa akin na bagtasin pa yun dahil madrama. Pero sa buod ng istorya, pwede sigurong isailalim pa sa pagsusuri ko. May mga panahon na naging napakasaya ko sa dulot ng pagmamahal nila sa akin. Ngunit nagbabago ang lahat. Pero napakasarap gunitain ang nakalipas. Hanggang ngayun sariwa pa ang lahat. (Nagpunta lang ako saglit sa tindahan. Nawalan ng kuryente.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.