Pag-gunita sa kaarawan ni Dang

This image has an empty alt attribute; its file name is 24272948_1956334494381838_1219581742_n.jpg
Imelda ‘Dang’ Tolentino Valdez

ulyo ang kaarawan niya. Ang alam ko ay ngayun, sa ikalawa (July 2nd) at siguro idinaraos niya ng maayos kasama ng mga pamilya niya at kaibigan. Sana madulutan ko rin siya ng ligaya sa pagsapit ng kaarawan niya.

Maraming taon na ang nakalipas ngunit lagi pa rin siya sa diwa ko at isipan. Napakasilmpe niyang tao at napamahal siya ng lubos sa aming pamilya. Buong puso niyang tinulungan ang pamilya ko nung nasunugan kami ng bahay. Kasama siya sa mga pinsan ko na nagaruga sa mga musmos kong mga anak at gustong gusto siya ng nanay ko. Masarap siyang magprito ng isda at magluto ng gulay.

Batang bata pa siya nuon at hatid sundo ko siya sa paaralan sa kabilang bayan. Marami kaming mga adventures sa mga nadadaanan naming mga lugar na nature na nature. Madalas kaming mag park ng pickup ko sa may tulay kung saan may malinaw na batis. Nakadugtong yun sa malawak at mahabang ilog. Ang tubig ay galing sa kabundukan. Makikita mo ang Cordillera sa tanawin.

Mababaw lang kaming dalawa at nagpatuloy ang aming barkadahan hanggang sa nagpaalam siya sa mga magulang niya na titira na sa amin kasama ng mga pinsan ko. Maraming trabaho sa lugar namin dahil nagpapatayo kami ng bahay nuon.

Nung mga panahon na yun, naiibsan ang aking agamagam sa pagkawala ng bahay namin dahil ang tanging importante sa akin ay nakaligtas ang mga anak ko sa sakuna at nalungkot man ang nanay ko, nagpapasalamat kami sa Diyos na hindi nakasama ang mga anak ko sa pagkatupok ng bahay sa apoy. Isa yung trahediya. Maraming tumulong na mga kapitbahay para mailigtas ang mga anak ko.

Naiwan si Dang sa prubinsiya at kaming lahat ay lumipad tungo ng United Kingdom. Lumipas ang mahabang panahon, lumaki ang mga bata, hanggang sa bawian ng buhay ang aking nanay. Malalaki na ang mga bata at nagkaruon na ng sariling buhay. Dito ko naiisip si Dang at kung palarin ako sa mga balak ko, gusto ko siyang makuha dito upang magkasama kami ulit sa piling ng mga anak ko.

Nakita ko siya sa facebook minsan pero di ako sigurado kung siya yun dahil hindi siya sumagot. Sa balita ng pinsan niya, nasa Norway daw siya at single pa siya. Hinanap ko siya pero di ko makita sa social media. Nag post ako ng mga messages pero walang nag feedback sa akin.

Sa ngayun patuloy ko siyang hinahanap hanap. Napakasarap bagtasin ang nakalipas namin. Sadiyang di ko maikubli ang pagnanasa kong makita siyang muli. Parang isang guniguni na nakasapi sa akin ang alaala niya. Kaya ngayung kaarawan niya, nararamdaman ko ang ligaya sa puso niya. Sana, mulit muli kong inaasam na mabasa niya ito. Hindi ko siya makakalimutan sa buong buhay ko. Magiging napakasaya ko kung magkita pa kami.

Hindi ko makakalimutan ang mga experience namin sa mga faith healers hanggang sa nakarating kami sa Mt. Makiling kung saan natulog kami dun na kasama ang grupo ng mga faith healers. Kaya sana huwag niyang kaligtaanang bakasin ang mga nakalipas dahil ito ay humadlang sa mga balakid sa buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.